Kung Mawawala Ka, Paano Na?
Haaayyy... Yung moment na unti-unti na syang naglalaho sa buhay mo. Sakit noohhh?! Kung mawawala ka, paano na nga ba ako? Paano na ako makakangiti kung wala na sya? (I can't smile without you lang ang peg?) Paano na ko tatawa kung wala na sya? Paano na ako makakakain ng maayos pag wala sya? (Ice cream at Ice candy pa naman yung favorite ko) Talagang na-realize ko na It's so hard to smile pag dumating na sa point na hindi ka na akin. Napakasakit lang isipin. Kulang talaga, as in kulang na kulang pag wala ka na. Sabagay, meron namang pampalit sayo, pero ayoko pa din. Gusto ko ikaw lang, ayoko ng iba.
Haaaaaaaaaay!!!!!! Oh aking mga NGIPIN! Hindi ko alam ang aking gagawin, kung ikaw ay mawawala na sa akin!Sa aking pagtanda'y di na ikaw ang aking makakasama, kundi tanging PUSTISO na lang.PUSTISO NA LAAAAANG! Kaya kayong mga kabataan, ingatan ang inyong mga ngipin, upang matagal nyo pa silang makapiling. HAHAHA. (Kala mo Love life noh? Noh? Noh? Noh?)
kaya naman ngipin ko'y pinag-iingatan ko na rin :)
ReplyDeleteKala ko inlove ka! </3 NGIPIN pala yung tinutukoy. HAHAHA. Dadating talaga ang panahon na mawawalan tayo ng ngipin.
ReplyDeletePa-comment din po! TY.