Tuesday, April 21, 2015

Di mo na Mababawi

Be careful tayo sa mga sasabihin natin sa ibang tao. Dahil  hinding hindi mo na ito ulit mababawi once na naibigkas na ito ng iyong bibig. Maaaring sa isang maliit na salita, ay magko-cause pala ng isang malaking kagaluhan. Think before you talk. May mga taong hindi makapagsalita, and you are so blessed dahil hindi ka pipi. Kung pangit na mga salita lang ang lalabas sa'yong bibig, it is better to shut your mouth, kesa naman makasakit tayo sa ating kapwa. Common na sa atin ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao. And it's not right. Baguhin na yung ganung kaugalian, dahil di natin ito ika-uunlad. Maaaring makasira ka pa ng isang buhay ng isang tao.


I have just read this quotes, "Be sure to taste your words before you spit them out." 

Thursday, April 16, 2015

Trash 'em Up!

Often times I think too much negative things. At para kong nalulunod sa lalim ng mga iniisip ko. Para ba kong nasa gitna ng Mediterranean Sea. That made me feel so irritated to someone or to something even if it's nonsense. And I really want to get out on that sea, dahil sobrang nalulunod na ko. But Thank God, because His words is my Lifebuoy! He is really my Comforter. And I realize that, I don't need to worry about so many things, especially sa mga wala naman talagang kwentang bagay. He is my True Peace. Enjoy mo lang ang bawat moment sa buhay mo, sabi nga ni Jason Mraz sa isa nyang kanta, "By living in the moment, living my life, easy and breezy. Peace in my mind, peace in my heart, peace in my soul, wherever I'm going, I'm already home." Nakakatuwa lang yung lyrics na to. Live your life to the fullest! Sometimes kasi, we focus on the things na magko-cause ng pagka-bad mood natin, not focusing on the things na mas mahalaga pa. Think of these things, like remembering your happy moments with your friends, family or your someone special (Eherm!) or reminiscing your awkward moments at yung mga most funniest moments sa buhay mo. Do positive things! Wag ka na magpa-apekto sa mga pangit na nangyayari sa buhay mo, kasama talaga sa buhay yan. Instead tanggapin mo 'to as a positive one. Tapon mo na yung mga walang kwentang bagay na iniisip mo. I'm sure, gagaan pakiramdam mo. Dahil subok ko na.

Let God guides you in your daily walk. God Bless everyone! :)

Tuesday, April 14, 2015

Kung Mawawala Ka, Paano Na?


Haaayyy... Yung moment na unti-unti na syang naglalaho sa buhay mo. Sakit noohhh?! Kung mawawala ka, paano na nga ba ako? Paano na ako makakangiti kung wala na sya? (I can't smile without you lang ang peg?) Paano na ko tatawa kung wala na sya? Paano na ako makakakain ng maayos pag wala sya? (Ice cream at Ice candy pa naman yung favorite ko) Talagang na-realize ko na It's so hard to smile pag dumating na sa point na hindi ka na akin. Napakasakit lang isipin. Kulang talaga, as in kulang na kulang pag wala ka na. Sabagay, meron namang pampalit sayo, pero ayoko pa din. Gusto ko ikaw lang, ayoko ng iba. 

Haaaaaaaaaay!!!!!! Oh aking mga NGIPIN! Hindi ko alam ang aking gagawin, kung ikaw ay mawawala na sa akin!Sa aking pagtanda'y di na ikaw ang aking makakasama, kundi tanging PUSTISO na lang.PUSTISO NA LAAAAANG! Kaya kayong mga kabataan, ingatan ang inyong mga ngipin, upang matagal nyo pa silang makapiling. HAHAHA. (Kala mo Love life noh? Noh? Noh? Noh?)